_pang-masa
^

Para Malibang

Museum ng Black Magic at Pangkukulam, Dinarayo sa Iceland

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Ang pangungulam o witchcraft ay isang superstitious beliefs at sina­sabing gawa raw ng demonyo, maging ang panggagayuma at paggamit ng itim na mahika.

Noong Middle Ages, ang mga wizard at mangkukulam ay hindi katanggap-tanggap sa publiko, pero hindi naman daw sila sinusunog ng buhay.

Nang magsimula ang 14th at 15th century, ang mga taong naaakusahan ng witchcraft ay dinadala sa hukuman, lalo na sa Germany, Spain at England. Doon sila nililitis.

Sa paglipas ng panahon, napatunayan ng mga tao na ang kulam at mangkukulam ay hindi totoo at gawa-gawa lamang.

Sa kasalukuyan, halos libu-libong tao ang uma­ming interesado sila sa black magic o sorcery, at puwede nilang matutunan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpunta sa isang sikat na museum sa Iceland na nagpapakita ng history ng witchcraft sa mga nakalipas na siglo.

Ang Museum of Icelandic Sorcery and Witchcraft na matatagpuan sa maliit na bayan ng HÛlmavÌk ay isang destinasyong maaaring makapagpabago ng opinyon ng isang tao tungkol sa magic at mga kulto. Ayon sa mga lokal doon, dedicated daw ang nasabing museum sa 120 na mangkukulam na binitay noong taong 1625 at 1685. Lahat daw sila ay pinahirapan bago patayin.

May kaparehong museum ang Museum of Icelandic… at kilala ito sa buong mundo. Matatagpuan ito sa Cornwall, England. Ito ay ang Museum of Witchcraft na binuksan noong 1951 at merong malaking koleksyon ng witchcraft at Wiccan artifacts.

MUSEUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with