Kailan ka Susuwertehin?

Part 3

6—Sa mga Isinilang ng Year of the DRAGON: Good luck ang makakamtan sa lahat ng aspeto ng buhay tuwing sasapit ang Year of the RAT. Ganoon din ang suwerteng hatid sa mga Dragon people tuwing sasapit ang Year of the ROOSTER. Kaya  dapat lang na gawin ang mga importanteng plano sa year of the Rooster. Nagsisimulang dumating ang magagandang kapalaran sa edad na 16 at 18. Kung mananatili ang mabuting pakikisama sa mga tao, madadala niya ang good luck hanggang sa pagtanda.

7—Sa mga Isinilang ng Year of the SNAKE: Magiging maayos ang lahat ng gagawin ng Snake people tuwing sasapit ang Year of the OX. Mas lalo pang gumaganda ang kapalaran kapag ang taon ay nasa Year of the Monkey. Makakamtan ang magandang buhay sa edad na 26 pataas. Itutuloy

Show comments