Para sa mga nagbabalak mabuntis

Kung gusto nang magka-baby,  hindi lang simpleng romansahan ng mag-asawa, kundi may pag­hahanda ring ginagawa upang maging successful sa inyong binaba­lak, ayon sa webmd.com.

Magbuntis ng bata pa

Kung nasa 30s ka na, hindi ka na kasing fertile tulad noong nasa early 20s ka pa lang. Super fertile ang babae kapag teenager.

Pero, biologically-speaking, ang best age para sa mga babae na magbuntis ay sa 20s dahil ang katawan ay mature na at may kakayahan nang magbuntis, manganak.

Pagdating ng 30, mag­­sisimula nang bu­maba ang fertility ng babae.

Ang mga lalaki naman ay bumaba ang fertility kapag 50s na ngunit may mga lalaking nakakabuntis pa rin kahit 60s o 70s na.

Show comments