Kailan ka susuwertehin?

Part 2

4—Sa isinilang ng Year of the Tiger: Extremely fortunate sa year of the Pig kung saan makakaranas ng masasayang pangyayari. May darating na oportunidad na magdudulot sa Tiger people ng malaking pagkakakitaan. Makakaranas ng promotion sa year of the Horse.

Sa year of the Dog isagawa ang mahahalagang plano dahil makakaayon sa iyo ang magandang kapalaran. Magsisimulang madama ang suwerte sa edad na 30.

5—Sa isinilang ng Year of the Rabbit: Magiging mabiyaya at masuwerte sa lahat ng bagay ang Rabbit people tuwing sasapit ang year of the Dog. Asahan ang promotion, pagsikat ng pangalan o pagbulusok paitaas ng negosyo sa year of the Sheep. Madadama ang pag-akyat ng suwerte sa  edad na 28 hanggang 33. - Itutuloy

Show comments