Zebra na may polka dots
(Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

Likas na may kakyutan na taglay ang mga Zebra lalo na ang baby Zebra. Pero isang zebra ang pumupukaw ng atensyon sa social media ngayon dahil hindi tulad ng pangkaraniwan na zebra na stripes ang pattern, polka dots ang meron sa Zebra na ito!

Ang rare polka dot Zebra ay namataan sa Maasai Mara National Reserve sa Kenya.

Ang photographers na sina Rahul Sachdev at Antony Tiran na mga tour guide rin ang nakakuha ng litrato dito.

Ayon naman kay Parmale Lemein, isang wildlife specialist, ito raw ang unang beses na makakita sila ng ganung kaso.

Malamang daw na mayroong melanism ang natu­rang Zebra. Ibig sabihin, mas marami ang produksyon ng black pigment sa kanilang balat. Ayon pa sa mga eksperto, maliit ang tiyansa na maka-survive ito.

Ayon sa ilang scientist, “Zebra stripes form when there’s an inhibition in melanin production, meaning that the animal is most likely black with white stripes and not the opposite.”

Hindi lamang for show ang Zebra stripes dahil ang stripes nila ay para rin mapanatili nilang malamig ang kanilang balat sa African heat. May mga theory rin na ang stripes nila ay para makapagtago sila sa kanilang potential predators at sa mga langaw na may dalang sakit.

POLKA DOTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with