‘The City of Heaven’

Ang Machu Picchu na matatagpuan sa South America ay isang ancient city na madalas tawaging ‘the city of heaven’ o ‘the city of light’.

Dahil sa sobrang taas, para mo nang maaabot ang langit.

May taas itong 2,450 meters high.

Idinisenyo ang siyudad bilang mountain ­sanctuary noong mga panahon pa ng two great Incas: ang Pachacutec Inca Yupanqui at Tupac Inca Yupanqui, isang siglo bago pa sakupin ng mga espanyol ang Inca Empire.

Taong 1532, lahat ng nakatira rito ay misteryosong naglaho.

Marahil ay totoo nga na sinakop ng mga Espanyol ang siyudad, pero maraming historians ang naniniwala pa rin na bago ito mangyari, namatay muna ang mga nakatira sa Machu dahil sa tigdas na dala diumano ng mga traveler. Maliit lamang ang nasabing siyudad, meron itong 200 buildings, ang iba ay maliliit lang na warehouses, temples, at mga bahay.

Karamihan sa mga building doon ay gawa sa stone blocks at maganda talaga ang pagkakagawa.

Matagal nang nakalimutan ang siyudad ng Machu Picchu, 400 years na ang nakararaan, hanggang sa taong 1911, dumating ang American archaeologist na si Hiram Bingham at nadiskubre ito, at ngayon isa na itong atraksyon na talaga namang madalas nang puntahan ng mga turistang gustong maabot ang langit.

Show comments