Pipino at suka sa mukha?!

Maraming kababaihan ang namomroblema sa kanilang visible pores.

Ito yung opening sa skin natin kung saan luma­labas ang pawis.

Pangit kasi ito tingnan lalo na sa close up pictures at selfie. Mukha ring matanda ‘pag malaki ang iyong pores.

Paano ito masoso­lusyunan nang hindi gu­magastos ng mahal?

Katunayan, madali lang ito dahil ang pipino ay puwedeng gamitin para mawala ang appearance ng large pores.

Ihalo lang ang pipino sa apple cider vinegar, konting lemon, at honey at ilagay sa mukha ng 10 minuto.

Pagkatapos nito ay mararamdaman agad ang pag-unat ng mukha at mas healthy na glow.

Samantala, epektibo rin ang pipino sa mga na-sunburn at pekas sa mukha. Puwede itong kainin o direktang ilagay sa mukha pagkatapos hiwa-hiwain ng maninipis.

Show comments