Perfect na moment ng Mag-asawa
(Pang-masa) - September 8, 2019 - 12:00am

Ang mga worst moment sa marriage ay madalas nag-aalangan na ikuwento dahil sa ilang masasakit na isyu o teribleng problema. Sa oras na pagharap sa altar hindi naiisip sa vows pa lang ang mga puwedeng mangyari sa hinaharap.

Maaaring namatayan ng magulang, nakunan, nawalan ng pag-asa, maaa­ring nabuking na nanonood si mister ng porn, nahuling  may ka-text o may kausap na iba sa telepono ang asawa.

Maraming beses na nai-expose ang problema, kasalanan, o iba pang hindi maintindihan sa mga isyu ng pamilya. Pero ang paghihinagpis ni misis na ang tanong na ang susunod na pinakamasalimuot na moment ay puwedeng maging best na resulta sa hinaharap. Maaaring hindi agad uusbong o mamumukadkad ang mga bulaklak gaya ng pagbunga sa halaman. Ang mahalaga sa pagdaan ng panahon sa haba  at dami ng problema ay nagkakaroon din ng wisdom pagkatapos na malampasan ang hirap ng buhay.

Ang mga inaakalang imposible ay nagbabago rin ang kapalaran. Kaya huwag sumuko na imbes na mapagod ay maghintay sa blessings na mairaraos din ang mga isyu ng mga mag-asawa.

Huwag nang isipin ang mga puwedeng masaklap na moment sa mag-asawa. Sa halip ay manalangin na ang mga masasakit na araw ay matakpan ng pagpapatawad sa isa’t isa para sa perfect na moment sa plano at buhay ng mag-asawa.

MARRIAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with