^

Para Malibang

Perfect na sex life ng mag-asawa

Pang-masa

Ang pagkahilig sa sex life ay inuugnay sa maraming benepisyo pagdating sa kalusugan. Mula sa puwedeng bumaba ang panganib ng pagkakaroon ng cardiovascular disease at makaiwas sa ilang klase ng kanser.

Pero minsan gumuguho rin ang sex life ng mag-asawa. Iba ang sinasabing magkaroon ng sex life upang makaiwas sa mga kanser. Bilang married couple ay hindi dapat nadi-deprive ang isa’t isa. Ang pagtatalik ng mag-asawa ay proteksyon din mula sa “heart disease” gaya ng makaiwas sa pagnanasa sa iba, matukso,  at maging unfaithful sa asawa.

Bagkus ay palakasin ang pagsasama bilang husband and wife. Makipag-connect araw-araw sa asawa. Ang mga babae ay mas sexually attracted sa lalaki na nagbibigay sa kanya ng atensyon sa kanilang buhay. Ang sex ay outward expression na nangyayari sa pagitan ng emotionally, spiritually, at bawat iba pang aspeto. Kahit maglaan lamang ng 15 minutes na magtinginan, mag-holding hands, at mag-share kung anong nangyayari sa inyong buhay.

Hindi masamang landiin ang asawa kung feel ito. Ang kindatan at pagtaas ng kilay na pagbibigay senyas kay misis. I-text si hubby at ipaalam na hihintayin siya mamayang gabi. Puwedeng mag-abot ng maliit na note sa pitaka  ni misis. Sabihin kung gaano siya kaganda sa iyong paningin. Saka mag-usap at magkuwentuhan pag-uwi ng bahay. I-build up ang asawa na short-to-the-point na pagsasabi na magbibigay sa kanya ng kompiyansa. Magpasalamat at banggitin kung gaano siya kahusay na lover.

Walang perfect na sex life, pero ang simpleng effort ng lambingan ay magbubukas ng pinto para magkaroon ng healthy connection kaysa mahulog ang asawa sa tukso na ikakawasak ng pamilya.

vuukle comment

MAG-ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with