Kinagat sa leeg

Panaginip: Ano po ang ibig sabihin ng kinagat ako sa leeg ng ahas? Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin dahil sa sobrang gulat ko ay nagi­sing na ako.---Aloha

Interpretation: Ang ahas ay taong lihim na nagagalit sa iyo pero nagpapanggap na kaibigan mo. Ang leeg mo ay simbolo ng utang o kaya ay pangako na ibinigay mo sa isang tao. Isang araw ay paaalalahanan ka ng iyong “frenemy” tungkol sa ipinangako mo sa kanya.

Show comments