Glass skin na abot kaya
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - July 15, 2019 - 12:00am

Pinaniniwalaang ang mangga ang ‘hari’ ng mga prutas dahil bukod sa mabibili ito ng buong taon. Sandamakmak din ang benepisyo nito sa pagpapaganda dahil ito ay naglalaman ng vitamin A at C na mga anti-cancer antioxidants.

Mayroon din itong collagen na siyang tumutulong na mapanatiling makinis at makintab ang ating kutis. At puwede ito sa iba’t ibang skin types.

Bukod sa pagkain ay puwedeng-puwede ring ipa­hid ang mangga sa mukha tulad na lamang ng paggawa ng facemask.

Simulan ito sa pagkuha ng laman ng manggang hinog (siguraduhing hindi kunin iyong parte na malapit sa balat dahil maaaring mairita ang balat dito).

Pagkatapos nito ay maghanda ng lutong oatmeal.

Pagsamahin ang mangga, oatmeal, at maghalo ng isang kutsarang honey. Ibabad ito sa mukha ng 15 minuto at saka masahihin, banlawan.

GLASS SKIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with