Paglilinis ng drain lines

Bago pa tuluyan pumasok ang panahon ng taga-ulan ang drain lines ay kailangan malinis upang maiwasan ang seryosong pagkasira at mapamahal ang pag-repair lalo na kapag malakas ang ulan.

Kapag nalinis agad ang drain pipes ay maibabalik ang maayos na agos ng waste water system na matitiyak din ang kaligtasan ng mga bahay sa pagbaha o pag-apaw ng tubig na baka pumasok sa loob ng bahay..

Higit sa maayos na daloy ng maruming tubig ay mawawala rin ang masamang amoy mula sa plumbing system.

Makipag-ugnayan sa repair man na malinis ang drain lines upang mapigilan ang matambak ang basura at nang hindi na ito magbara. 

Ang pag-check ng maaga kung may sira ang pipe lines sa kabahayan ay mas makakaiwas sa perwisyo.

Dapat masimulan ang pag-repair bago pa rumagasa ang ulan at ma­ging maayos ang daloy ng tubig sa mga drain lines.

Show comments