^

Para Malibang

Pag-invest ng bagong memories sa mag-asawa

Pang-masa

Maraming pagkakataon para magkaroon ng quality time ang mag-asawa. Hindi kailangan ng maraming pera para i-date si misis. Kailangan lamang ma­ging creative at magplano ng mga murang getaway ng couple.

Kung mahal o mas magastos ang long trips ay puwede namang biglang liko o kaliwa na pang one night stand sa mga magagandang service ng mga hotels.

Kung mas mura pa ang hanap ay samahan si misis na maglakad kahit na window shopping o magkaroon ng lunch date. Mas adventure kung mag-camp out na mag-ihaw ng marshmallows na ang lasa ay matamis na share sa partner.

 Puwede ring i-transform ang bahay na pang get away parang new world ang dating. Gawing sexy ang paligid ng kuwarto na sabayan sa saliw ng music at gawing dim light ang room na tiyak ay swabeng kinikilig si misis. Puwedeng pumunta kahit saan na depende sa pagkakasunduan.

Maaaring walang time na umalis ng ilang araw, pero puwedeng magkaroon ng connection sa gabi. Puwedeng lumabas at manood ng sine na planuhin ang date tuwing makalawang linggo na dapat ay priority sa kalendaryo.

Ang regular na getaway kasama ang asawa ay nakatutulong na maalala kung bakit unang na-in love kay misis o mister. Pagkakataon na magkaroon naman ng bagong memories lalo na ngayong mahirap ang sitwasyon sa buhay. Ang lahat ng couples ay kailangang ng oras na mag-invest sa kanilang marriage upang mapatatag ang pondasyon ng relasyon nina hubby at wifey para rin sa pamilya.

vuukle comment

INVEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with