Ang matalinong paghahanda sa future

Ang wise na indibidwal ay naghahanda para sa kanilang future.

Habang nakamasaid sa hinaharap ay kailangang pag-isipan kung paano makakawala sa pagkakautang at magkaroon ng sapat na savings.

Sa Bible ay hindi ipinagbabawal ang mangutang, pero ikunukumpara ito sa isang alipin at kung paano naghihirap na magtrabahong mabuti para makalaya sa financial na commitment kung saan nakagapos.

Sa pagbabayad ng utang ay kailangang planuhing mabuti kung paano makakabawi sa tanikang kinasasadlakan.

Ang pag-iipon na ang ibig sabihin ay paglalaan para sa future. Hindi ibig sabihin ay bumili sa mga sales o bargain items.

Kung kaya walang naitatabing pera sa halip na napapadoble ng kayod sa paggasta ng pera na wala sa lugar.

Ang wise na tao sa Bible ay nag-iimbak para sa hinaharap, pero mayroong warning laban sa pag-iipon ng pera na naisin lamang na maging mayaman.

Hindi kailangang magtago, kundi maging matalino na isipin ang kinabukasan ngayon pa lamang.

Show comments