Zombie Family (91)
Gilda Olividado (Pang-masa) - May 24, 2019 - 12:00am

SARAP ng kain ni Herman. Walang pakialam. Enjoy lang sa tahimik na pamumuhay sa loob ng maliit na gubat na luntian.

Then natulog na naman nang mabusog. Kuntento.

Nang bigla siyang may narinig na tunog.

Pamilyar.

Nasa malayo pa. Kinabahan siya.

“H-helicopter? At palapit ang tunog ng makina. Ibig sabihin papunta rito. P-Pero siguro naman dadaan lang. Oo nga … dadaan lang ‘yan.”

Patuloy pa siyang nakinig. Mino-monitor niya ang sound ng helicopter.

Gusto niyang pagkatapos tumapat sa kanya ang tunog ng helicopter, papalayo naman, dadaan lang.

Dadaan lang sa isla ang helicopter. Hindi magla-land.Hindi magbababa ng mga tao.

Iyon ang inuutos niya sa isip. Ang wini-wish, pinipilit na maging totoo. Pero wala naman siyang ganoong kapangyarihan.

Lalo pang lumakas ang sasakyang panghimpapawid. Bumaba na ito, nag-land na sa isla.

Namutla si Herman.

“Ang mga gagong taong ‘yan, maya-maya lang ay hiwa-hiwalay na ang kanilang mga katawan. At naglabasan na ang nalalabi nilang mga bituka! Hindi sila dapat nagpunta rito! Masisira ang plano ko kay Marga!” Galit na galit si Herman.

MGA mayayamang adventurous ang mga sakay ng helicopter. Mga magagandang babae, sexy. Sina Lupe, Anne at Isabelle. Tatlo rin ang mga lalaking guwapo at may mga abs. mga sport figures sa Pilipinas. Sina Robin, Stan at Dennis. Lahat sila kahit ang mga babae, kayang mag-pilot ng helicopter kaya sila hindi takot pumunta sa islang ito.

Mga nakabikini na kaagad ang mga girls, naka-swimming trunk naman ang mga binata. Lahat marunong mag-surf kaya may mga surfboards sila.-  ITUTULOY

 

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with