Overacting lang ba si nanay?

Dear Vanezza,

May BF ako na hindi ko masabi sa nanay ko dahil napapraning kapag may boys na umaaligid sa akin. Ang masama pa ay bad shot agad sa nanay ko ang BF sa tuwing binanggit ko ang name niya. O praning lang din ako na baka ma-overacting ang nanay ko? – Tintin

Dear Tintin,

Makinig kay nanay kung hindi pa siya payag na magkanobyo ka. Nanay knows best dahil gusto niyang makatapos ka muna sa pag-aaral at magkaroon ng magandang future. Dahil ang love life nandiyan lang lalo na kung nasa tamang edad ka na.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments