Nanay May Ka-date sa Club House

Dear Vanezza,

Dalawang taon na si tatay na nagtatrabaho sa Dubai. Pero nagulat ako nang sabihan ako ng driver ng shuttle namin sa subdivision na lagi raw nasa club  house si nanay na may kasamang ibang lalaki. Kaya pala tuwing gabi ay nawawala si nanay sa bahay na nagpapahangin lang daw sa club house namin. Huli ko rin sa cell phone ang text ng kabit ni nanay. Dapat ko bang ipaalam kay tatay?

Marcel

Dear Marcel,

Mahirap man gawin, pero kailangang komprontahin ang iyong nanay. Sabihan siya na kapag hindi siya tumigil ay isusumbong mo siya sa iyong tatay. Kung hindi siya tumupad sa usapan, oras na para malaman ni tatay ang kalokohan ng iyong nanay. Upang maayos  o maisalba pa ang problema ng iyong pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments