Bf nasasakal sa toxic na gf

Dear Vanezza,

Nung una ang cute ng pagseselos ng GF ko. Pero nasobrahan na ngayon ang pagiging selosa na lahat na lang pati barkada ko na may mga BF na. Toxic talaga na nakakabaliw na pinaliit ang mundo ko dahil maraming pinagbabawal. Gusto ko nang hiwalayan dahil nasasakal na ako.  Ano ba ang gagawin ko? – Marlo

Dear Marlo,

Kung hindi na healthy ang relasyon ninyo ng GF mo, oras na para maghiwalay na kayo ng landas. Ang GF ay dapat nagsisilbing inspirasyon at hindi nagsasara ng pinto kung saan ka masaya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments