^

Para Malibang

Zombie Family (66)

Gilda Olividado - Pang-masa

TAKBUHAN sila sa pinto ng sasakyan. Nakapasok kaagad ang babae, si Chenee.

Pero si Evan, nadapa dahil sa nakaharang na spare tire. At hindi kaagad nakatayo.

Kitang-kita ng young wife nang kinubabawan ni Marga ang lalaki. At ang bao ng ulo nito ang agad nilapa.

“Evaaaannn!” Sigaw ni Chenee.

Hindi niya maatim ‘di tulungan ang asawa. Pero kung tutuusin, hindi na ito kailangang gawin.

Dahil instant ang pagkamatay ni Evan. Nang matamaan ang kanyang utak ng mga matatalas na ngipin ng zombie, sa pinakasentro kaagad nito.

Nag-snap kaagad ang thread ng buhay.

Ni hindi na nga nagawang ipikit pa ni Evan ang kanyang mga mata. Kaya siguro akala ni Chenee ay buhay pa ang husband niya.

Dahil para lang itong nakatitig sa kanya nang buong kapayapaan.

Matapang na babae si Chenee. Lalo na’t ang gusto ay mailigtas si Evan. Paglabas niya ng sasakyan, nakita niya kaagad ang bakal na gamit pantanggal ng gulong.

Dinampot niya ito. Takbong mabilis patungo kina Marga at Evan. Walang pag-aalangan na hinataw niya ang likod ng zombie.

Bumaon ang dulo ng ipinanghataw.

May mga kung ano-anong insekto na lumabas sa nabutas na likod. Nagliparan ang mga ito.

Patungo kay Chenee.

At dinapuan ang lahat na mukha at katawan ni Chenee. Napakarami ng mga lumabas mula sa butas na likod ni Marga. Na lahat puntirya kaagad si Chenee.

Hanggang wala nang nalalabing makikita pa kay Chenee. Totally covered na ng mga nangangagat at kumakain na insekto.

Hindi nagtagal, wala nang Cheneeng natira.

Maliban sa mga suot na alahas nito at makapal na buhok.

Naubos siya ng mga insektong nagmula kay Marga. Ubos na rin ni Marga ang mula ulo hanggang baywang ni Evan.

Kalahating katawan na lang ni Evan ang natitira.

Pero iniwan muna ito ni Marga at humarap muna sa mga insektong umubos kay Chenee.

Ibinuka nang husto ang kanyang bibig at lahat na insekto ay pumasok dito. Masaya ang zombie, nakangisi, habang nagsipagbalikan ang mga carnivorous na insekto sa loob ng kanyan katawan.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with