Tuwing tag-init nakasanayan na kailangan ng mas mahabang oras ng pag-ehersisyo at pagkain ng masustansyang gulay at prutas. Kailangan din ng pag-inom ng mas maraming tubig dahil sa mainit na panahon. Pero hindi lang tubig ang nakatutulong upang hindi mawalan ng fluid sa katawan.
Kapag uminom ng maraming tubig minsan ay nagreresulta na ang pakiramdam ay bloated at mabigat ang tiyan.
Kung kaya ang pagkain ng mga sariwang prutas ay nakatutulong para ma-energize at ma-hydrated ang katawan. Alamin ang mga paboritong putas na kailangang kainin hindi lang dahil sa masarap ang lasa kundi pang boost din ng energy nang hindi agad mauhaw.
Tulad ng pakwan na maganda sa buto, nagpapabawas ng timbang, nagre-regulate ng nerves at muscles. Nagpapaganda ng vision at naiiwasan ang masira ang cells.
Bumili rin ng mansanas na panlaban sa lahat ng klase ng kanser at pang protekta mula sa Alzheirmer’s.
Nagpapababa ng cholesterol at pang-iwas ng stones sa gall bladder. Idagdag pa ang pipino, ubas, orange, singkamas, strawberry, melon, at iba.
Ang lahat ng mga nabanggit at mainam sa lahat ng edad na nagbu-build ng immunity. May benepisyo rin sa sakit ng tiyan na puwede rin appetizer na nagpapaganda ng tulog.