Ate hibang sa nobyo

Dear Vanezza,

Babae ang ate ko, pero kung ma-in-love sa BF niya ay daig pa ang mga bakla. Imagine bigay luho sa BF niya. Carry ko pa na mabulag siya sa kahibangan niya sa BF. Pero ang bilhan pa ng kotse ang nobyo ang hindi ko maintindihan. Hibang ‘di ba?! Pati ang parents ko ay walang magawa sa kalokohan ng ate ko. Ano ba ang gagawin namin nang magising si ate sa BF niya? – Sisterex

Dear Sisterex,

Ganyan kapag in love na bulag sa katotohanan at payo ng iba. Hayaan mo lang si ate mo sa kanyang kahibangan dahil mauuntog din siya lalo’t kung hindi deserving ang BF niya. Hintaying magising sa sarili kahibangan sa pagka-in love si ate, upang wala siyang ibang sisihin kundi ang kanyang sarili.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments