Oras ng exercise ayon sa science

Malaking hamon kung kailan dapat mag-ehersisyo, ang importante ay mapiga ang sarili ng ilang minuto o oras kung ito ay gagawin. Kung palalawakin ang workouts ay mas magkakaroon ng benepisyo. Ano ang sinasabi ng science kung kailan dapat mag-excercise?

Kung pinili na mag-exercise sa umaga lalo na kung wala pang laman ang tiyan; magandang paraan ito para ma-burn ang stored fats upang mabilis mabawasan ang timbang. Ang iba ay mas gusto sa lunch time ang choice na sinusubukan pang magkaroon ng mahabang routine.

Epektibo ito upang maiwasan ang kumain ng marami sa tanghali. Kahit mahirap pangatawanan, pero kalaunan ay nagiging part na rin ito ng sistema. Kung ang pinili ay sa hapon ang mag-workout sa pagitan ng 1 – 4 p.m. ay mas maraming calories ang nabi-burn.

Kung kaya mas nabo-boost ang performance sa pag-ehersisyo. Mas convient sa marami na sa gabi dahil pagkatapos ng trabaho. Ang pag-ehersisyo ng 7 p.m. – 10 p.m. ay puwedeng nadi-delay ang body clock ng pagtulog. Pero kung pagkatapos ng exercise ay mag-shower tiyak na tulog agad pagkahiga sa kama.

Ang pagyo-yoga sa gabi ay mas magandang gawin upang matulungan na magkaroon nang masarap na pagtulog. Kung nasa opisina ang simpleng routine habang nakaupo gaya ng pag-strecth ay pwede nang gawin sa kahit anong oras. Upang hindi mapabayaan na lumaki ang tiyan at timbang sa kakaupo sa iyong opisina.

Kung walang time na maisingit ang workout, subukan na umakyat at bumaba gamit ang hagdanan kaysa mag-elevator.

Gawing alternate ang pagpunta sa gym o pag-ehersisyo. Upang mapahinga ang muscles sa kahit anong oras na routine ang napiling pag-exercise. Para ma-absorb ng mga muscles ang pag-stretch sa iyong activitites.

Show comments