Mister Iiwanan ang Pamilya Para sa GF
(Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Nakikipaghiwalay sa akin ang ka-live in ko. Nag-text sa akin ang kabit niya na palayain ko na raw ang BF niya. Wala naman akong magawa kung ayaw na niya sa akin. Ang gusto ko lang ay isama niya ang anak namin na lalaki na 15 years old na. Ngunit ayaw niya. Natatakot ako na baka hindi niya sustentuhan ang anak namin. Ano ba ang gagawin ko? – Betchay

Dear Betchay,

Puwedeng humingi ng tulong sa barangay o DSWD hindi para bigyan ng reklamo o kaso ang ‘mister’ mo kung sustento lang ang habol mo, kundi, upang magkaroon kayo ng kasunduan na magbibigay siya ng suporta sa anak ninyo. Para maging panatag ang kalooban mo na magkaroon ng regular na perang matatanggap ang anak mo.

Sumasainyo,

Vanezza

PAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with