May Lihim na Pagnanasa sa GF ng BFF

Dear Vanezza,

May lihim akong pagnanasa sa GF ng barkada ko. Nasasaktan ako sa tuwing lumalabas kaming tatlo. Kapag magkagalit sila ay ako ang takbuhan ng GF niya. Natutukso akong patusin siya tuwing kaming dalawa lang ang nag-iinom dahil game rin siyang makipaglandian sa akin na type raw niya ako. Ano ba ang gagawin ko? - AB

Dear AB,

Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng isang babae. Ibaling mo na lang ang iyong atensyon sa iba. Upang magkaroon ng sariling happiness at love life. Iwasan mo na ang GF ng kaibigan mo para makaiwas din sa posibleng problema at gulo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments