Pabor ka bang palitan ng pangalang maharlika ang ‘Pinas?

* Hala! Ang dami-da­ming problema ng bansa, pangalan pa ng ‘Pinas ang gustong pagdiskitahan.  Bakit kapag pinalitan ba ang pangalan, mararamdaman ba namin ang du­gong maharlika? Ang daming tao na walang tra­baho at nagugutom. Unahin n’yo munang tanggalin ang age limit nang magkatrabaho lahat ng tao. – Jasmin, Tondo

* Maganda ang pa­nga­lang Mahar­lika, pero ibang usapan kapag ginamit ito na pamalit sa pangalan ng ‘Pinas. Para mo na rin kaming ninakawan ng aming pagkakaki-lanlan o identity. Nananalaytay na sa dugo namin ang tatak ng lahing Pilipino.  Baguhin man ang tawag dito ay mamamatay at mabubuhay pa rin kaming ipinanganak sa ‘Pinas. – Carmen, Batangas

* Asus! Parang feeling royalty rin ganun? Puwede bang tanggalin muna ang mga squaters at pakainin ang mga pulubi sa kalye. Bigyan ng bahay at libreng medikasyon para bago palitan ang  pangalan ay maramdaman nilang kabilang pala sila dugong bughaw. Ganun! – Jessica, Navotas

* May masama ba sa pangalang Pilipinas? Taktak naman nating Pinoy ang pagiging palaban na hinahangaan ng buong mundo. Bakit kail­a­ngang pag-aksayahang baguhin? – Nene, Las Piñas

* Sige payag ako, pero siguraduhin lang na  mababago ang estado ng  buhay ko. Mayaman at hindi na aangal sa suweldo ko. - Tess, Cubao

Show comments