Matatapos na ang problema
Panaginip: Nagkaroon ng sugat ang aking braso. Tapos may dugong tumulo nang tuluy-tuloy mula sa sugat. Kailangan pang puluputan ng towel para maampat ito.---Therese, Valenzuela City
Interpretation: Ang dugo sa panaginip ay simbolo ng lakas o paghina ng physical at mental health. Ang pagtagas ng dugo mula sa iyong sugat ay simbolo ng alinman sa dalawa: paghina ng resistensiya ng iyong katawan o nakakaranas ka ngayon ng stress dahil sa mga problema.
Sa positive side, ang paglabas ng dugo mula sa parte ng katawan ay simbolo rin ng katapusan ng problema.
- Latest