^

Para Malibang

Sakit na tamang hinala ni misis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong misis na laging binabagabag ng pagseselos na may ibang babae ang aking mister. Laging nagla­laro sa aking isip na baka may kinakatagpo siyang iba. Napakasakit isipin kung totoo lalo pa’t subsob ako sa gawaing bahay. Normal ba itong nadarama ko?

Kapag ginagabi ng dating ang mister ko, hindi ko maiwasan na sitahin siya kung saan siya nanggaling at kadalasan, minamasama niya ang pagtatanong ko para raw wala akong tiwala sa kanya. Nauuwi ito sa pag-aaway namin dahil daw sa sakit ko na lagi akong tamang hinala. Ano kaya ang dapat kong gawin para matiyak ko na hindi nagloloko si mister? Asahan ko po ang inyong kasagutan. - Pacing

Dear Pacing,

Ang pagseselos ay tanda ng pagmamahal. Pero kung wala sa lugar dahil walang basehan, mag-aaway nga kayo ni mister. Magtiwala ka sa asawa mo maliban na lamang kung may matutuklasang ebidensya na meron siyang iba. Kung totoo ay magpakahinahon at daanin sa mabuting usapan ang pagresolba sa problema.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

PAGSESELOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with