Naadik sa Pasko, ginawang Christmas tree ang sarili!

Halos lahat ng tao sa buong mundo ay gustung-gusto ang Christmas, pero kakaiba ang isang fashion designer na ito mula Ireland dahil hindi lamang niya basta gusto ang Pasko, kung hindi obsessed na obsessed siya rito.

Dahil sa pagiging kakaiba ni Jenny Wilson, 36, pagdating sa kanyang Christmas outfits, umani na siya ng maraming followers sa Instagram.

Ang kanyang personal motto: “Why hang the decoration, when you can be the decoration?”

Kilala si Wilson sa ta­wag na Jen ‘Nollaig’ (Irish word para sa Pasko) at ginagamit niya ang kanyang talent para ipakita sa lahat ang kanyang ga­ling pagdating sa pagiging creative.

Pinauso niya ang isang Christmas eyepieces na naging trademark niya na, na nabili niya lang mula sa iba’t ibang local shops o online.

Nagmimistula na rin siyang Christmas tree dahil sa rami ng dekorasyon na nakasabit sa kanya mula ulo hanggang paa.

“Some people spend their money on shoes, I spend mine on Christmas decorations.

 “Maybe I was a Christmas tree in a past life,” ani Wilson.

Bata pa lang daw nang magsimula siya sa pagkahilig dito at ito ang pinakapaborito niyang okasyon.

“I’d love to see ­another Christmas designer because I love the holiday so much.

“To be honest there are loads of Christmas obsessives out there, you just need to know where to look,” pagtatapos nito.

 

Show comments