Holiday allergies

Ang ibang tao ay na­ka­raranas ng holiday allergies.

Dahil sa allergic mu­la sa mga puno, pollen, alika­bok, at sobrang gi­naw.

Ang ibang puno ay mayroong microscopic mold spores na nagpapa-trigger sa pagbahing at makating ilong ng indibiwal.

Kung madaling ma-allergy puwedeng sundin ang ilang tips nga­yong holiday.

1. Umiwas sa mapupunong lugar.

2. Kung gagawa ng Christmas tree ay ha­yaan itong matuyo at pag­pagin bago ipasok sa loob ng bahay.

3. Huwag ipasok ang sapatos at hubarin agad ang suot na damit.

4. Isara ang bintana upang hindi pumasok ang alikabok o pollen mula sa mga puno.

5. Laging magdala ng nasal spray na na­katu­tulong malinis ang allergens.

6. Kung walang spray ay magmumog ng maligamgam na tubig na lagyan ng tubig.

7. Kumain ng mga gulay at prutas na mayaman sa vitamin C at ibang nutrients na may compounds na malakas na panlaban sa mga virus o germs.

Show comments