Multong Bahay (79)
HINDI na nakapagpigil si Don.
Kinabig si Agyana at niyakap. Maluha-luha pa ang binatang surgeon.
“I love you. And I’m willing to do anything for this. If I have to go to that place purgatory to fight for my love, I will.”
“Don, kinikilabutan ako sa sinabi mo.”
“I mean it. Ano ba ang nakakapagtaka, after being exposed to things not normal, wala na yatang imposible ngayon.”
Napayakap na rin si Agyana sa binata.
ANG multong buhay ay nagbalik sa mansiyon ng mga Aguilar. Nakalusot sa main door, nakapasok din sa silid ni Don Aguilar.
Humiga pa sa kama ng doktor.
Dumaing, nakakatakot pakinggan.
Malakas, nagising ang mga kasambahay na lalaki ng mga Aguilar.
“Ano ‘yon?”
“Kabisado na natin ang boses na ‘yan, kanino pa kundi ang multong buhay. Nandidito siya!”
“Para manakot uli? Manakit? Paano tayo lalaban?”
“Mabuti na lang, wala na rito sina Sir at Ma’m. Ligtas sila. Pati mga kasambahay nating babae.”
“Mga lalaki tayo, kaya nga tayo pinaiwan ay para lumaban. Hindi tayo tatakbo, hindi natin iiwan itong mansiyon na para na rin nating tahanan.”
“Oo nga! Laban nang laban! Dasal, suntok, sipa, sakal, saksak ... lahat gawin natin sa pesteng multong buhay na ‘yan!”
“Teka, tawagan muna natin si Doktor Don. Kailangan malaman niya ito. Palagay ko pupunta agad dito ‘yon para tulungan tayo sa pakikipaglaban sa multong buhay.”
“Sige, tawagan mo na.”
NAG-UUSAP pa sina Don at Agyana nang dumating ang tawag.
“What? Narinig ninyo ang multong buhay?”
“Oo, Dok. At natunton namin kung nasaaan siya.”
“Saan?”
“Sa silid ho ninyo mismo. Doon nanggagaling ang daing.”
“Ano kaya’ng ibig niyang sabihin? Bakit nasa silid ko siyas?”
“Sir, binubuksan na po namin ang silid ninyo. Naku, Sir ... nakahiga po sa kama ninyo. Sobrang nakakadiri ho! Para po talaga siyang palaging natutunaw, kumakalat na ang mga malamantika sa kanyang katawan sa inyong kama!”
- Latest