Money tips ngayong kapaskuhan

Pasko na naman. Gastos na naman. Pero kaila­ngan ba talagang maubos ang pera? May paraan para makatipid.

Narito ang ilang tips para ‘di maubos ang pera mo ngayong Pasko.

1. Pre-Christmas clean up

Maglaan ng panahon para mag-general cleaning sa kuwarto mo. Siguradong may mga naitabi kang mga bagay na puwede mong ipang­regalo.

Kung hindi man, ipunin ang mga bagay na hindi mo na ginagamit at gawin itong pera sa pamamagitan ng garage sale kung hindi na ito mare-recycle na pang­regalo. Puwede rin itong ibenta on-line o kaya ay humanap ng buy-swap-sell.

2. Gumawa ng list at check it twice

Gumawa ng listahan ng inyong reregaluhan. Sa ganitong paraan, maiisip mo na kung anong bibilhin mong regalo at kung magkano ang budget mo sa ireregalo. Samantalahin ang mga sale, bazzar, at iba pa. Gumawa rin ng listahan ng mga kailangang bilhin at mga pagkaing ihahanda sa noche Buena. Bumili nang maaga at samantalahin ang mga promo.

Show comments