Lesson Attitude ng Anak

Hayaan na magkaroon ng attitude lesson ang mga anak na puwedeng simulan sa bahay. Ipakita sa anak ang pagkakaiba ng overall attitude ng indibidwal kung paano makakaapekto sa pananaw sa mga tao at sa buhay nito. Pati na rin ang kanilang mood na puwedeng magbago.

Hamunin ang anak na isulat ang pangalan ng mga taong kilala niya na may positive attitude at maging sa ibang kaibigan na may negative attitude. Payagan din na isulat ng mga bata ang taong nakakasama nila. Kung komportable ang estudyante ay tanungin ito na i-describe ang taong malapit sa kanya at bakit ito ang lagi niyang gustong kasama. Tanungin din ang mga anak na isulat ang kanilang mga attitude. Pagkatapos ay ipasulat sa mga bata kung anong attitude nila ang puwedeng baguhin sa mas positibong paraan. Pag-aralan ang kanilang mga ginawa at kausapin ang mga anak tungkol sa kanilang mga  isinulat. Ipaliwanag at ipaalam sa anak na susuportahan ito sa mga gusto nilang pagbabago sa aspeto ng kanilang attitude.

Magandang idea na ituro sa anak kung paano babaguhin ang mga masamang sitwasyon sa positibong pananaw. Tanungin ang anak na mag-isip ng mga bagay na nagpapalungkot o nagbibigay bigat sa kanilang sarili. Turuan din silang puwede itong baguhin.

Ang pagtuturo sa mga anak o estudyante na mapanatili ang positive attitude ay isang pondasyon upang magkaroong ng character lesson sa mga bata para sa mas makubuluhang epekto sa kanilang buhay sa kalaunan.

Show comments