^

Para Malibang

1.5 Kilogram na Pako, Bracelet, at Perdible Nakuha sa Tiyan ng Babae

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Hindi makapaniwala ang mga doktor na nag-opera sa isang babae dahil sa kakaibang kondisyon nito.

Nakuha mula sa tiyan niya ang dose-dosenang metal na bagay na tulad na lamang ng bracelet, sing­sing, at hairpins.

Kinilala ang babae sa pangalan lamang na Sangita at isinugod ito sa ospital dahil sa matinding sakit na iniinda sa kanyang tiyan, pagala-gala lang din ito diumano sa kalye. Agad siyang sinuri ng mga doktor upang malaman kung ano ang sanhi nito, at doon nga nakitaan ng bukol si Sangita na naglalaman ng mga metal na gamit. Matagal na panahon na pala niyang kinakain ang mga ito, sanhi para tumigas na ang kanyang bituka.

Ayon pa sa doktor na sumuri sa kanya, naapek­tuhan na rin daw ang baga nito dahil na-stuck na roon ang mga nilunok niyang perdible.

Pinaniniwalaang may disorder si Sangita na kung tawagin ay Acuphagia, isang uri ng rare disorder kung saan ang isang tao ay kumakain ng matatalas na bakal at indigestible objects. Ligtas na ngayon ang nasabing babae at siniguradong hindi na ito mauulit sa kanya.

vuukle comment

DOKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with