Tipidtipiran sa gas

Patuloy sa pagtaas ang gasolina.

Kung magkalapit lang ang destinasyon, magsabay na lang para tipid. Mas okay ang carpool.

Ang pinakamagandang gawin para makatipid ay mag-commute. Puwede ring maglakad o mag-bike na lang kung kaya naman. Nakatipid na, naka-exercise pa.

Ngunit kung kailangang magsasakyan, narito ang mga tips para makatipid sa gas. 

Control - Kapag papalapit na sa red light o stop sign, bitawan na ang gas at mag-free wheel na lang bago mag-stop imbes na manatiling naka-accelerate at magpreno ng malakas pag pag-stop na.

Hindi lamang nakakatipid sa gas ang pagko-control ng apak sa gas kundi makatutulong din ito para hindi mapudpod agad ang breaks.

Nakatipid na sa gas, mas napapatagal pa ang brake.

Patayin ang makina - Kung matatagalan sa paghinto, iminumungkahi ang pagpatay ng makina.

Halimbawa, may dadaan na train, may bibilhin sa tindahan, may abalang road construction o aksidente, mas maiging patayin ang makina.

Makakatipid sa idle time fuel at para na rin makaiwas sa overheating. Mapipigilan din ang emmissions mula sa naka-idle na sasakyan.

Show comments