Multong Bahay (54)

SINASAKAL na nga ng multong buhay ang lala­king kasambahay nina Don.

Pero hindi natinag si Don.

“Walang epekto ‘yan. Hindi mo ‘yan mararamdaman. Huwag kang matakot. Hayaan mong magsawa siya kasasakal sa iyo.”

Nagpakatapang nga ang hardinero.

Tinititigan pa sa pangit na mukha ang multong buhay.

Tama nga naman si Don.

Walang epekto ang pagsakal ng multong buhay sa hardinero. Ni hindi nararamdaman ng sinasakal ang mga kamay ng multo sa kanyang leeg.

“Hahahaaa! O ano, sasakal-sakal ka riyan! Nasaan na ang lakas mo? Ang laman mo? Ang totoo mong kamay? Walaaa!”

Parang nayanig ang multong buhay sa pang-aasar sa kanya ng kasambahay ni Don.

Saka naman siya kinausap ni Don. “Stop it. Lumayas ka na lang. Kung saan ka man nanggaling  umuwi ka na! Wala kang silbi rito sa mundo namin! Useless lang ang pananakot mo dahil lumulusot ka lang na parang hangin!”

Nagalit ang multong buhay.

Hindi kayang tanggapin na ang lalaking gustung-gusto niya ay minamaliit siya.

Kaya sumigaw siya. Nakakatakot, ang lakas.

Parang galing sa pinakamalalim na hukay.

Pero nagtakip lamang ng mga teynga sina Don.

“Nakakabingi ka lang sandali but still, it’s nothing! Lumayas ka na rito!”

Nag-isip-isip sanda­li ang multong buhay. Paano nga ba siya makakaganti sa mga taong ito?

Nawala na ang kanyang kagandahang hinahangaan. Pati ba naman ang kakayahang manakot ng tao ay wala na rin?

“Mahal kita, Don Aguilar! Ako ang totoong Agyana! Ako dapat ang mahalin mooo!”

Natigilan si Don, napa­tingin sa mga kasambahay. “Tama ba ang narinig ko? Na sinabi ng multong ito na … mahal niya ako? At siya raw si Agyana? Paano niya nakilala si Agyana. Itutuloy

Show comments