Sports at Activities ng Anak
(Pang-masa) - October 16, 2018 - 12:00am

Ang sports ay hindi lang dominante ngayon ng mga lalaki, kundi ang physical na activities ay nakatutulong din sa mga babae na ma-build ang confidence.

Sa pag-practice ng mga bata ng kinahihiligang sports o activities ay napu-push na ma-improve at ma-achieve ang kanilang goals.

Ang iba pang benepisyo na natutunan ng mga anak ay madiskubre ang kanilang strength, tanggapin ang kanilang kahinaan, at matutunan ang teamwork.

Dagdag pa ng bonus sa anak na maging physically fit, natutunan na irespeto at pahalagahan ang kanilang katawan. Karaniwan na lamang ngayon ang pagiging obese sa mga bata, importante na kahit hindi mahilig sa organize na sports ang anak ay masubukan nito na makahanap ng physical activity kung saan siya mag-i-enjoy na puwede sa pagsayaw, martial arts, biking, o hiking, at iba pang routine.

Ang maganda ay maeengganyo rin ang pamilya sa physical activity ng anak na nagsisimula lamang sa pagsuporta sa bata. Nai-encourage at nagkakaroon din ang magulang ng interest na napapasama sa pagbibisekleta, marathon, o simpleng paglalakad ng anak. Maaa­ring gawin ito kahit tuwing weekends para masayang magsama-sama ang buong pamilya.

SPORTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with