Gunting naiwan sa loob ng tiyan ng lalaki matapos maoperahan
(Pang-masa) - September 14, 2018 - 12:00am

Halos dalawang dekada nang iniinda ng isang 54-year-old na lalaki sa Vietnam ang sakit na nararamdaman nito sa sikmura. Palagi raw itong sumasakit pero hindi siya nag-abalang magpunta sa doktor.

Isang araw ay naaksidente siya kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong madala sa ospital, sumailalim siya sa isang ultrasound para masuri, pero laking gulat ng mga doktor na hindi lang injuries ang kanilang nakita, kung hindi isang gunting na may habang 15 centimeter, malapit sa kanyang bituka.

Agad nilang inoperahan ang nasabing lalaki kung saan tumagal ito ng tatlong oras.

Ayon sa mga doktor, maaaring naiwanan o nakalimutan daw ang nasabing gunting matapos siyang operahan. Taong 1998 kasi ay sumailalim din siya sa isang operasyon.

Ligtas na ang lalaki at nakuha na rin ang gunting na kinakalawang, na-stuck ito sa tabi ng iba pa niyang lamang loob.

GUNTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with