Tainga ng Lalaki Ginawang Tirahan ng Gagamba

Isang lalaki sa China ang nagdesisyong mag­patingin sa doktor matapos makaramdam ng matin­ding pananakit sa kanyang kaliwang tenga.

Ayon sa kanya, hindi siya makatulog dahil parang may nagtatambol sa loob nito.

“This morning the discomfort was still there. There were noises like something was beating a drum.”

Sumailalim sa endoscopy ang nasabing lalaki para masuri kung ano ba talaga ang sanhi ng pagsakit ng kanyang tenga.

Laking gulat ng doktor nang makita ang isang gagamba na bagama’t kasing liit lang ng mani, grabe naman daw kung maghukay.

Gumagawa na pala ito ng sapot na siyang gagawin niyang bahay.

Matagumpay naman na naialis ng medic ang gagamba at wala namang naitalang injury sa lalaki.

Madalas daw talaga silang magkaroon ng ganitong kaso, hindi lang gagamba ang kanilang nakukuha, maging mga ipis, lamok, at kulisap ay madalas din nilang nahuhugot mula sa mga tainga ng mga pasyente.

Show comments