Ikaw at ang Zodiac Sign (9)

Last Part

Pisces:

Ang Piscean ay mala­wak ang pang-unawa, easy-going, mabait, emo­syonal, malambing, matulungin, malihim kaya nagiging misteryoso minsan ang dating.

Ismarte kaya hindi madaling lokohin. Masarap kaibigan dahil sincere at totoong makisama.

Kadalasan ay may dual personality ang Piscean—may oras na napakaromantiko pero minsan naman ay walang kabuhay-buhay na lover. Pero nasa kapalaran naman niya ang magkaroon ng masayang buhay may-asawa. Gusto niya’y may pinag-aralan ang kanyang mapapangasawa. Magiging ideal partner sa kanila ang Virgo at Cancer-born person.

Mataas ang kanilang mararating lalo na kung ang kanilang propesyon ay may kaugnayan sa literary, nursing, law, medicine at iba pang propesyong nagbibigay ng serbisyo sa sangkatauhan. Lucky day ay Linggo, Martes, Huwebes.

Hindi magandang araw ang Lunes, Sabado, Miyerkules at Biyernes. Lucky numbers ay 1, 4, 3, 9. Lucky color ay red, yellow, pink at orange.

Iwasan ang blue.

Show comments