Pangalawang Anino (556)
MALAPIT nang magdikit ang mga kamay nina Yawan at unang anino na si Angela.
Kailangang mangyari iyon para magkaisa ang kanilang lakas at puwede na silang lumaban sa lumalakas na si Pio—ang prinsipe ng kadiliman.
Pero kahit binubugbog ni Ariel, nakita ni Pio iyon.
Magkakaisa na ang puwersa nina Yawan at Angela.
Tumingin ng matalim si Pio sa dalawa.
Agad tumama ang kidlat kina Yawan at Angela.
Malakas ang impact, lalong napaghiwalay si Yawan at ang kanyang unang anino. Napalayo sa isa’t isa.
May sugat sa mukha ang unang anino. Dumudugo ito.
May sugat naman sa hita si Yawan, dumudugo rin.
“A-Angela, bakit kaya tayo sinasaktan? Akala ko ba lugar ng Diyos ang bundok na banal? Sino ang nanakit sa atin?”
“Hindi ko rin alam, Yawan. Wala naman dapat manakit sa atin dito. Walang masama dito. Si Pio, alam kong hindi siya masama. Nagkakamali si Ariel sa kanya.”
“Bakit ayaw mong awatin si Ariel? Hayun siya, patuloy na sinasaktan si Pio.”
“Hindi ko siya mapigil. Parang wala na siya sa sarili dahil sa pagseselos.”
“Kaya siguro may nangyayaring masama sa atin kasi may taong galit dito sa bundok na banal. At si Ariel iyon.”
“Palagay ko nga.”
“Ano’ng dapat nating gawin ngayon? Puro tayo may sugat.”
“At malayo sa isa’t isa. Eh, dapat nga nagkakahawak-kamay tayo para ang force natin ay lumalakas.”
“Yawan, gumugulo na dito sa bundok na banal …”
“Pero dapat nating maayos, Angela.”
“Magpalakas muna tayo.”
“Oo nga. Patuloy na umaagos ang dugo sa mga sugat natin. Parang nahihilo ako, Yawan.”
“Ako naman, dahil nga sa mukha ako tinamaan ng malakas na kidlat na ‘yon, kanina pa rin ako nahihilo.”
SI ARIEL naman ang biglang tinamaan ng kidlat.
Sa buong katawan.
Umapoy si Ariel.
Nasusunog.
- ITUTULOY
- Latest