Dear Vanezza,
May reunion na naman kami ng mga high school friends ko. Nagtataka sila kung bakit hindi ako pumupunta. Ayaw kong mabuking na nabuntis ako ng dati kong BF na classmate rin namin pero may asawa. Napaniwala ako na hiwalay na sila ng misis niya na ginawa lang akong kerida. Ngayon ako pa ang inaaway ng misis niya. Ano ba ang gagawin ko? -Susan
Dear Susan,
Layuan mo na ang lalaking yan na walang ibibigay na mabuting bagay sa iyo. Panindigan mo na iyong pagkakamali kahit mag-isa. Matuto na huwag nang magpaloko kahit sa kahit kaninong lalaki maghintay ng tamang lalaki na may malinis na intensiyon sa iyo.
Sumasainyo,
Vanezza