Unhealthy na Jealousy

Hindi makakaila na ang malakas na emosyon gaya ng selos ay laging may negatibong epekto.

Ano man ang dahilan ng pagseselos ito ay nagbibigay ng hindi komportableng bagay bagkus ay nagiging toxic at hindi healthy ang emosyon.

Ang pagseselos sa tagumpay o happiness ng ibang indibidwal ay nagiging resulta ng lungkot sa parte ng tao. Importante na huwag ikumpara ang sarili kahit kanino dahil ang iyong buhay, background, at environment ay hindi pareho.

Kung mayroon man dapat ikumpara ang sarili ay mula sa iyong nakalipas, pero sa positibong bagay.

Tandaan, kung inaakala na perfect ang buhay ng iba, nagkakamali ka sa iyong paniwala.

Subukang maging masaya para sa tagumpay ng ibang kaibigan o tao. Maghanap ng inspirasyon sa kuwento ng ibang tao at matuto sa kanilang pinagdadanan.

Show comments