Dalaga tinalo ang mag-bestfriend

Dear Vanezza,

Itago mo na lang po ako sa alyas na Betty, 4th year high school. May nagugustuhan po akong schoolmate ko na cute at matalino. Ang akala ko po, noong una ay may gusto s’ya sa akin. First time ko pa lang siyang makita ay nagkagusto na ako sa kanya. ‘Yun pala gusto niyang ilakad sa akin ang bestfriend niyang lalaki eh, wala naman akong gusto. Pero dahil crush ko s’ya at para mapalapit din kami sa isa’t isa, nasagot ko tuloy ang kaibigan n’ya. Ngayon po, gusto ko nang makipag-break sa friend n’ya. Gusto ko na po sabihin ang totoo sa kanya? Tama rin kayang sabihin ko sa crush ko ang tunay na niloloob ng puso ko? Paano ba ang gagawin?

Dear Betty,

Masakit marinig ang katotohanan, pero dapat mo itong sabihin kesa magpanggap ka at paasahin ang BF mo. Tungkol sa crush mo, kung may pagtingin ka sa kanya, makabubuti siguro kung magturingan kayong magkaibigan madalas dun nabubuo ang pagmamahalan. Panahon lang din ang makapagsasabi kung mamahalin ka rin ng crush mo pero kung hindi, huwag mong ipilit ang iyong sarili. Ang pag-ibig ay kailangang mutual dahil kung hindi, wala itong kahihinatnang mabuti.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments