Hidden Charges

Isang paraan ng pagiging wise na consumer ay ikumpara ang business ng service na iyong ginagamit.

Mag-effort na tawagan ang iba’t ibang provider o contractors na makipag-usap at magtanong sa gustong malaman.

Kaysa ibase ang iyong desisyon sa advertisement na napapanood o nakikita sa news feed sa social media.

Piliin ang provider base sa personal na rekomendasyon ayon sa phone conversation o kaibigan kung totoong kumbinsido ang kanilang suhestison sa produkto.

Mag-check din ng resibo o invoice hindi yung basta itinatapon na lang.

Siguraduhin ang pres­yo ay ayon sa advertise price.

Kadalasan ay mara­ming hidden charges kaya lumaki ang binayaran. Lalo na sa mga hospital bills.

Tanungin ang detalye o services na ginawa sa pasyente kahit pa sabihing medical o credit cards ang ginamit na pambayad sa ospital.

Show comments