Impulse buying

Importante sa isang consumer na maging smart na dapat alamin kung saan eksaktong napupunta ang iyong pera.

May technique upang hindi madala sa mga pang-akit ng mga TV at feed ads sa social media na punung-puno ng pangako ang produkto na sounds good para mahulog sa kanilang mga presentation.

May tips upang maiwasan ang pagiging impulse buying:

Gumawa ng listahan at mag-stick sa iyong goals. Mababawasan ang tsansa na madala sa mga nakikita sa stores kung may nakahanda nang kopya ng bibilhin. Para hindi ka mag-iisip o malito kung ano ang bibilhin. Iwasan na mamili tuwing suweldo. Tiyak na matutukso na mag-shopping dahil alam mong may pera ka. Siguraduhin na magbayad ng cash sa bawat items. Huwag din dalhin ang credit card hanggang maaari.

Kung gustong maiwa­san na matukso ay tigilan na ang window shopping o mag-browse sa Internet lalo na kung hindi kailangan ang partikular na gamit. Limitahan ang pag-purchase kung kasama ang mga kaibigan. Huwag bibili kung binubuyo lamang ng friends. Tandaan ang pagiging smart sa pag-manage ng pera ay magkakaroon din ng kaayusan ang takbo ng pamilya.

Show comments