Hayaang mabigo ang anak

Huwag masyadong over protective sa anak na ayaw masasaktan. Kundi hayaang sumubok ang anak at mabigo.

Ang mga anak na hindi nag-take ng risk at makaranas ng pagkabigo o sakit gaya ng bumagsak sa bike, o matalo sa isang competition ay mas nakararanas ng low esteem, phobia, madaling madismaya na imbes na ma­ging creative at matuto sa kanilang sariling pagkakamali. Huwag din padadala sa kanilang pag-iyak kapag nag-fail sila sa kanilang quiz o exam.  Basta na lang susugurin at aawayin si teacher o ang ka-group ng anak sa isang pro­ject. Pakinggan ang anak kung ano ang gusto at dapat niyang gawin saka suportahan sa kanyang desisyon na maging mas determinado this time sa sarili nitong pagsisikap.

Huwag din masyadong to the rescue agad sa mga bata. Hayaan itong i-solve ang kanyang problema  upang makadiskarte at matuto sa mga karanasan nito.

Show comments