Healthy balance diet

Napansin n’yo ba ang connection sa pagitan ng inyong kinakain at ang inyong nararamdaman? Totoo na ang food at mood ay konektado.

Inuugnay ang pagkakaroon ng healthy balance diet lalo na ang prutas, gulay, at wholegrains na pang boost ng mood at panlaban ng depression. Ang highly processed food o junk food ay nagpapababa naman ng mood.

Sa monitoring ng mga taong madaling maiyak at madala sa pinapanood na telenobela ay ito yung implu­wensiya  ng mood mula sa kanilang kinakain. Samantalang kapag kumakain ng veggies sa hapunan ay mas maganda ang pakiramdam kinabukasan. Pero kapag kumain ng junk food ay lalanta-lanta ang pakiramdam.

Tulad ng sugar na inili-link sa mood lalo na ang processed sugar. Kapag kumain ng produkto na naglalaman ng mas maraming sugar ay nagta-transform sa pagiging irritable, depress, at negatibong pag-iisip.

Kung gustong manage ang depression ay kumain ng healthy food at iwasan ang sugar upang makita ang bright side ng buhay.

Show comments