Dreamer na bilyonaryo

Ang taong naghaha­ngad na maging bilyonaryo ay may maraming daan ang tatahakin.

Ikaw dapat yung tipong dreamer na kakayaning resolbahan ang $10 million at billion na problema. Kahit ba sabihing ilang beses  pa ang pagdadaanan, worth itong ulit-ulitin ang mga unlimited na pagsubok patungo sa tagumpay.

Puwedeng pag­ta­gum­payan ang lahat ng papa­sanin mula sa santambak na aberya sa negosyo. Kaila­ngang “think big” na maging malaki at malawak ang isipan. Maaaring pintasan o pagtawanan ng ibang tao.

Hindi mawawala na kokontra at hindi maniniwala sa iyong kakayahan. Pero ikaw mismo ang nakakaalam nasa tamang track ang iyong direksiyon. I-solve ang problema na magbibigay impact sa bilyong tao. Puwedeng harapin ang problema sa masakit na paraan sa pamamagitan ng maliit o malaking grupo ng tao na willing na ayusin ang problema. Magagawa ito, katumbas ng presyong sapat na ibabayad sa mga tao na magpapatakbo ng iyong business.

Show comments