Lalaking naaksidente iniuwi ang sariling binti, saka inulam
(Pang-masa) - June 18, 2018 - 12:00am

Isang lalaki diumano ang aksidenteng nasagasaan at naputulan ng binti habang nagba-bike, isang umaga. Hindi niya na ito maigalaw at maitayo kaya isinugod na siya sa ospital.

Puputulin na ang kanyang binti, yan ang natitirang option ng doktor. Agad na lang niya itong tinanggap dahil wala na siyang magagawa. Sa halip ay hiniling na lang niya sa doktor na iuwi ang sariling binti.

Nag-post ang nagpakilalang si IncrediblyShinyShart sa website na Reddit.com, hindi niya ipinakilala ang tunay na sarili. Ayon sa kanya, pagkatapos ng nangyaring aksidente, nag-imbita siya ng sampung kaibigan para sa isang dinner, at doon niya na sinabi ang suggestion na tikman nila ang sarili niyang binti. May usapan daw kasi sila na gusto nilang tumikim ng laman ng tao at sa tingin nila, ito na raw ang tamang pagkakataon.

May kaibigan silang chef at siya na ang nagprisintang magluto ng nasabing binti, ibinabad daw nila ito sa sauce para ma-marinate, sinahugan ito ng sibuyas, paminta, sili, at lime juice.

Kinabukasan, bumalik ang kanyang mga kaibigan at inumpisahan na nilang tikman.

Sabi nila, ang lasa raw ng karne ng tao ay kalasa ng baboy. Pero sa natikman nila, lasa itong baka at med­yo makunat.

Ang orihinal daw k­asing plano ay ipi-preserve niya ang naputol na binti, dahil nga sa hindi na niya ito maibabalik pa, gusto na lamang niya itong gawing souvenir, pero ang mahal daw ng taxidermist kaya naisip niya ang kakaibang bagay na kanilang ginawa.

Bawal o illegal ang pagkain ng karne ng tao o cannibalism, hindi ito normal, pero sa halos 49 states sa mundo ay legal daw sa kanila ang pagkain nito.

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with