Pacquiao magugulpi ni Crawford
MANILA, Philippines — Sa pambubugbog na ginawa ni Terence Crawford kay Australian Jeff Horn noong nakaraang Linggo, maski si Manny Pacquiao ay makakatikim sa bagong American world welterweight champion.
Kaya naman ayaw ni Top Rank Promotions CEO Bob Arum na isagupa ang 30-anyos na si Crawford sa 39-anyos na si Pacquiao.
Tinalo ni Crawford (33-0-0, 24 KOs) si Horn (18-1-1, 12 KOs) via ninth-round TKO victory para agawin sa Australian ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown sa MGM Grand.
Halos hindi makilala ang 30-anyos na si Horn dahil sa bugbog na inabot niya kay Crawford.
Ang nasabing WBO welterweight title ay inagaw ni Horn kay Pacquiao mula sa kanyang unanimous decision win noong Hulyo ng nakaraang taon sa Brisbane, Australia.
Imbes na si Pacquiao (59-7-2, 39 KOs) ang itapat kay Crawford ay mas gusto ni Arum na ilaban ang batang si Jose Benavidez Jr. (27-0-0, 18 KOs) sa bagong WBO welterweight king.
- Latest